Sunday, October 18, 2009

Turuan at Sisihan sa Naganap na Malawakang Pagbaha sa Luzon

Matapos ang matinding delubyong dulot ng bagyong "Ondoy" at "Pepeng" partikular sa Luzon kabilang na ang Metro Manila, isang pamilyar na senaryo ang nagaganap. Umpisa na naman ng turuan at sisihan ng mga kinauukulan kung sino ang dapat na managot sa nangyaring malawakang pagbaha. Sa kasalukuyan ang malinaw na itinuturong may-sala ay ang mga dam na imbakan ng tubig at ang mga operator nito partikular ang San Roque Dam na ayon sa mga ulat ay nagpawala ng labis-labis na tubig na naging sanhi ng paglubog ng maraming bayan sa Pangasinan.

Ipinatawag na ng mga Senador ang mga operators ng San Roque Dam para imbestigahan ang anila'y kapabayaan na naging sanhi ng pagkawala ng maraming ari-arian at buhay ng ilan. Ayon sa imbestigasyon bilyo-bilyong litro ng tubig, sapat upang palubugin ang lalawigan ng Pangasinan. Depensa naman ng mga dam operators, ginawa lang nila ang instruction sa kanila ng NAPOCOR na siyang namamahala sa operasyon ng San Roque Dam. Maaaring mas malaking pinsala ang idinulot kung bumigay ang dam dahil sa labis na ulan na iipunin nito. Ngunit sa kabila ng mga paliwanag desedido ang Senado na papanagutin ang mga dam operators, anila dapat nag-abiso sa ang mga ito sa local municipality ng Pangasinan at sa mga residente para napaghandaan ang pagpapakawala ng tubig, at idinagdag pa na dapat ang pag-rerelease ng tubig ay ginawa bago pa man manalasa ang bagyong "Pepeng".

Sa loob mismo ng Senado kung saan ginanap ang pagdinig sa insidente, mismong ang Gobernador ng Pangasinan ay naging emosyonal sa paghaharap nila ng Chief Engineer ng San Roque Dam, idiniin ng nauna na hindi nag-abiso ang pamunuan ng nasabing dam ukol sa pagpapawala ng tubig at kung gaamo karami ang pawawalan. Ang kabilang panig naman ay iginiit na nagbigay sila ng babala sa lokal na pamahalaan ng Pangasinan, sa katunayan nga daw ay nagpadala pa sila ng fax na siyang naglalaman ng kanilang babala, ang lokal pamahalaan na lang daw ang nagkulang kaya umabot sa ganoon ang pinsala. Sa ngayon ay patuloy pa ring dinidinig sa Senado ang tungkol sa isyung ito, at desidido ang kinauukulan na makasuhan ang lahat ng mga nagpabaya kung kaya naganap ang malawakang pagbaha.

Sa huli ay nais kong mag-iwan ng katanungan, sino nga ba talaga ang dapat sisihin sa naganap na delubyo? at isa pang tanong ay meron nga bang dapat sisihin? Sa sariling opinyon ko lang, tapos na ang trahedya at sa halip na hanapin kung sino at meron bang dapat managot, bakit hindi na lang humanap ng solusyon para hindi na maulit ang nangyaring delubyo. At hangang sa ngayon marami pa ring bayang lubog sa baha at marami pa ring pamilyang nasalanta na hirap pa rin bumalik sa normal na buhay, bakit hindi yun ang pagbuhusan nila ng panahon at budget at hindi itong hearing nila. Hindi ko isinulat 'to dahil pumapanig ako sa mga Dam operators at hindi rin dahil kritiko ako ng sektor na humahawak sa kasong ito, nais ko lamang ipabatid na ang buong mundo ay hanga sa mga ating mga Pinoy dahil ipinakita natin kung paano tayo nagkakaisa sa oras ng kalamidad, hindi maganda kung sa kabilang banda ay may mga sisihan at turuan kung sino ang dapat managot.

Ang nangyaring pagbaha ay pagpapakita ng Inang Kalikasan kung paano siya magalit, kahit nga yung mga mayayaman na nakatira sa mga subdivision at mansyon walang nagawa sa baha. Ang nangyaring baha ay epekto ng pang-aabuso sa kalikasan, pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig, global warming at climate change dahil sa mga usok ng pabrika at sasakyan, pagdedevelop nag mga gubat para tayuan ng malls, golf course at subdivisions, pati ilang mga dagat at ilog ay tinabunan na ng lupa kaya nung bumaha, wala ng mapuntahan ang tubig kundi sa mga kalsada. Kung talagang sinsero ang goyerno na tukuyin at parusahan ang may-sala sa naganap na baha, ipatawag din nila sa Senado yung mga nagtatapon ng basura sa mga ilog, yung mga illegal loggers, mga owners ng pabrika, mga real estate developers, mga mall owners, mga drivers at vehichle owners, lahat ng yun nakaka-contribute sa climate change na naging sanhi ng pagbaha.

At bilang pangwakas, kung sakali bang maparusahan yung mga itinuturong may sala, hindi na ba mauulit yung nangyaring delubyo?

1 comments:

Ferdinand C. Lim said...

Turuan at sisihan, hindi na mawawala yan.

Post a Comment