Pages

Sunday, August 1, 2010

Ellen DeGeneres Leaves American Idol! Kara DioGuardi Fired!

Matapos iwan ni Paula Abdul at Simon Cowell and American Idol, dalawang Idol judge pa ang nakatakdang malagas. Kinumpirma ng mga producers ng FOX na iiwan na rin ni Ellen DeGeneres ang American Idol habang si Kara DioGuardi naman ay naiulat na sinibak na sa naturang reality talent search.
Sa pahayag ni Ellen DeGeneres tungkol sa kanyang pagbibiti bilang AI judge, inilahad niyang:

“A couple months ago, I let FOX and the American Idol producers know
 that this didn’t feel like the right fit for me,”. 
“I told them I wouldn’t leave them in a bind and that I would hold off on doing anything until they were able to figure out where they wanted to take the panel next. It was a difficult decision to make, but my work schedule became more than I bargained for.”

“I also realized this season that while I love discovering,
 supporting and nurturing young talent, it was hard for me to judge people
 and sometimes hurt their feelings. I loved the experience working on Idol and
 I am very grateful for the year I had, I am a huge fan of the show
 and will continue to be.”
Kaugnay naman sa ulat hinggil sa pagsibak kay Kara DioGuardi bilan AI judge, basahin dito. Samantala, kinumpirma ng ilang sources na sa paglisan ni Ellen DeGeneres bilang judge ng American Idol, papalitan siya ng latin pop superstar na si Jennifer Lopez sa maiiwang puwesto, at napaulat din na nililigawan ng mga producers ng FOX ang lead vocalist ng rock band Aerosmith na si Steven Tyler para tumayo ring judge sa susunod na season ng American Idol. Kung gayon, si Randy Jackson ay uupo sa judges table kasama sina Jennifer Lopez at Steven Tyler at babalik ang American Idol sa orihinal nitong three judges format.

Nakakagulat ang mga latest developments sa American Idol, nalagas na halos lahat ng judge, si Randy Jackson  na lang ang naiwan sa mga orihinal na hurado ng programa. At sa palagay ko good choice ang pagpili kay J-Lo na pumalit kay Ellen, ang original format kasi ng judges ay isang  musician(Randy Jackson), record producer(Simon Cowell), at isang recording artist(Paula Abdul). Isang matagumpay na recording star si J-Lo, perfect na pamalit kay Paula Abdul. At bagaman hindi isang record producer si Steven Tyler, perfect choice din, Aerosmith is the longest running rock group in history, ilang dekada na silang namamayagpag at marami silang napasikat na awitin at daang milyon na nabenta nilang album, kaya siguradong alam na alam ni Steven Tyler ang formula sa pagtuklas ng isang recording star na bebenta ng maraming records at magso-sold out ng maraming concerts.













Hindi maikakaila na hindi naging maganda ang output ng nakaraang season ng American Idol, ngunit sa darating na American Idol Season 10, bagong bihis ang show at masusubukan kung kaya pa nitong magtagal ng ilan pang taon. Exciting at abangan ko ito at siguradong marami ring mag-aabang.

No comments:

Post a Comment