Nakalatag na ang susunod na project ni Gerald Anderson sa ABS-CBN. This time makakatambal daw ni Gerald ang bagong lipat sa Kapamilya Network na si Starstruck IV Ultimate Sweetheart Jewel Mische. Ang project na pagsasamahan dwa diumano nina Gerald at Jewel ay ang TV remake ng "Bagwis".
Ang "Bagwis" ay isang komiks strip na naisalin sa pelikula noong 1989 na pinagbidahan ng dating action star na si Chuck Perez. Ang "Bagwis" ay kuwento ng isang lalaki na inabandona naulila noong sanggol pa siya, lumaki siyang bulag dahil sa isang aksidente nung baby pa siya. Napulot siya at pinalaki sa isang bahay ampunan ng isang pari. Dahil lumaki siyang mabuting tao, binigyan siya ng kapangyarihan mula sa langit. Nagkaroon siya ng kapangyarihang magtransform bilang si "Bagwis", si "Bagwis" ay isang superhero na may pakpak ng anghel, mayroon siyang espada at shield na ginagamit niyang panlaban sa mga kampon ng dilim. Parang si San Miguel Archangel ang outfit dito ni "Bagwis". Kasama din sa cast ng pelikula sa Smokey Manaloto and the late Panchito.
Lumang pelikula na 'tong "Bagwis", konti na lang siguro ang nakakaalala, baka ng wala dahil mahina ang recall ng pelikulang 'to, ang hirap nga din maghanap ng mga archives at pictures, at yung dating bida na si Chuck Perez, hindi na din visible sa showbiz, in other words close to extinction na ang pelikulang ito, kaya kung magiging hit yung TV remake ng ABS-CBN, big deal yun. Kaya ko lang naaalala yung "Bagwis" dahil napanood ko siya sa TV noong bata pa ako, siyempre bata, lahat ng mapanood ginagaya, kaya kahit paano may recall sa akin ang "Bagwis" at kapag lumabas na yung remake ng Kapamilya sa 2011, pwede ko siyang i-review at i-compare, pero siguradong mas maganda ang magiging version ng dos, at saka sikat ang gaganap sa role.
Mapunta tayo kay Jewel Mische, ang suwerte ng batang ito, bagong salta lang sa Dos leading lady agad siya ni Gerald Anderson. Pero ganoon din naman nung bago siya sa GMA-7, naging leading lady siyaagad ni Richard Gutierrez sa "Kamandag" at naging girlfriend pa ni Richard, kaya lang nawalanng follow-up project, yung huling role niya sa "Pilyang Kerubin" bilang Police Woman hindi naman nagmarka,kaya ayun lumipat, hindi kaya maubos na lahat ng Starstruck sa GMA-7?
No comments:
Post a Comment