Pages

Monday, June 27, 2011

Kapuso Headlines 06.27.11

XLR8 Minus 2: Kung napansin ninyo kahapon sa episode ng Party Pilipinas na may theme na "Tibok" wala ang XLR8 member na si AJ Mulach at yung kakambal ni MM Magno at mayroong dalawang bagong member ang P-Pop group. Desisyon kasi ng VIVA Entertainment na manager ng grupo na huwag lumabas si AJ Mulach sa Party Pilipinas dahil mainstay siya sa "Bagets" na napapanood naman sa TV5. Ayaw raw ng VIVA na magkaroon ng conflict ang dalawang TV Network. Tungkol naman sa kambal ni MM, hindi ko alam, kasi parang nandun naman siya sa PP last week. At tungol naman dun sa sinasabi ng VIVA na conflict sa GMA-7 at TV5, okay lang ba sila? Wala naman sigurong problema kung lalabas ang ilang member ng XLR8 on both Party Pilipinas sa GMA-7 and Bagets on TV5, magkaibang genre ang dalawang show na ito at hindi naman magkatapat ng time slot, VIVA lang ang gumagawa ng conflict sa dalawang istasyon. At ayon din sa ibang reports, hindi na rin daw pinayagan ng VIVA Entertainment ang minamanage din nilang grupo na Pop Girls na lumabas sa Party Pilipinas dahil ilalagay na lahat ng members sa "Bagets". Ayaw ng conflict ha.

Captain Barbell todo Promote sa Party Pilipinas: Todo promote kahapon ang lahat ng cast ng Captain Barbell sa Party Pilipinas sa pangunguna ni Captain Barbell himself Richard Gutierrez. Nag-promote sila ng book 2 ng Captain Barbell na magsisimula ngayong gabi, last week kasi nagwakas yung book 1 kung saan nag-sakripisyo si Captain Barbell at ang Liga ng Kalayaan para pigilin ang isang asteroid na tatama sa Earth. Pero hindi lang yun ang dahilan ng promotion nila sa Party Pilipinas na extended pa hanggang Showbiz Central. Dapat lang silang mag-promote dahil sa buong line-up ng primetime show ng Kapuso Network, ang Captain Barbell ang pinakamahina ang ratings at kailangan talaga nila ng reformat at ilang changes sa story line para hindi maiwanan sa ratings ang show. Tila humina na ang star power ni Richard Gutierrez, parang hindi na kagaya ng dati ang hatak niya sa televiewers, mukhang kailangan na niyan i-reinvent ang sarili niya. Pero kung wala pa ring mangyari malamang makikita na natin si Richard sa TV5, wait n'yo lang.

May Magpapaalam sa opening ng Party Pilipinas: Curious ako kung sino yung magpapaalam daw sa Party Pilipinas kahapon kaya inabangan ko yung opening number, pero obviously it's just Rachelle Ann Go symbolically saying goodbye to her ex-boyfriend John Pratts through another song number. Hindi kaya masyado ng exploited yung break-up nila?

Wonder Boys Trending Topic sa Twitter: Tawa ako ng tawa dun sa Wonder Boys segment ng Party Pilipinas featuring San Ban Yo (Michael V.), Tang Ha Ko (Ogie Alcasid), Yee Saw (Antonio Aquitania), Chang Ge (Boy II Quizon). Nakakatawa yung kanta nila na "Baby Baby" na pauli-ulit lang ang lyrics. And would you believe it, nag-trending topic ang Wonder Boys sa Twitter worldwide. Unang ginawa sa Gag Show na Bubble Gang ang Woder Boys.

No comments:

Post a Comment