Pages

Wednesday, September 14, 2011

Heart Evangelista, Frozen Delight sa GMA-7?

Iniipit yata talaga ng GMA-7 Executives si Heart Evangelista. Pagkatapos kasi ng huli niyang soap sa Kapuso Network na "Dwarfina" ay wala pa rin siyang regular na show hanggang ngayon.

Nung una kasi na-shelve yung "Cain at Abel" na supposed to be project na pagsasamahan sana nila ni Dingdong Dantes, ang sabi ni Executive Vice President for Entertainment Wilma Galvante shelved daw ang naturang soap for further developments. pero obvious naman na hindi yun itinuloy dahil hindi papayag si Marian Rivera na boyfriend ni Dingdong.

Binigyan ng kapalit na project si Heart na pagtatambalan naman sana nila ng dating ka-love team na si Geoff Eigenmann na ang title ay "Legacy" at kasama rin daw dun si Iza Calzado, pero ang balita ngayon ay na-shelve na rin daw yun.

Ang matindi pa rito, kaka-renew lang ni Heart Evangelista ng exclusive contract niya sa GMA Network, kaya ang ibig sabihin ay kailangan pa niyang magtrabaho sa Kapuso Network for two more years. Imagine, two years nakatali si Heart sa isang exclusive contract pero wala siyang show maliban sa Party Pilipinas every Sunday, parang frozen delight na din siya, unfair hindi ba?

Itanggi man ng GMA Network, pero siguradong may kinalaman sa naging away nila ni Marian Rivera kung bakit naiipit ngayon si Heart Evangelista, alam naman kasi ng lahat na reyna ng Kapuso Network si Marian Rivera, siya ang pinapaboran ng mga "Powers That Be". At yun din ang dahilan kaya habang si Marian ang reyna sa GMA, walang ibang sisikat na aktres sa kanila.

Pero sa totoo lang, maliban sa "Marimar", lahat naman ng show ni Marian Rivera ay flop ang ratings, kaya nakapagtataka kung bakit lahat ng malalaking projects at opportunities ay sa kanya ibinibigay ng GMA-7. Siya raw ang pumalit sa trono na iniwan ni Angel Locsin, pero sa totoo lang, si Angel pa rin ang pinakasikat na artista na na-igroom ng Kapuso, pinilit lang nilang ipalit si Marian.