Pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang home grown Kapuso talent na si Iza Calzado, matapos magsimula at manatili ng ilang taon sa GMA-7. Ito na ang katotohanan dun sa mga haka haka noon na lilipat ng istasyon ang naturang young actress.
Kung napansin ninyo, pagkatapos ng "I Heart You Pare" kung saan pinalitan ni Iza si Regine Velasquez-Alcasid bilang katambal ni Dingdong Dantes at ng "Andres De Saya" na pinagtambalan nila ni Cesar Montano, wala ng sumunod na regular show si Iza. Puro guestings, hosting jobs, interviews at number sa "Party Pilipinas lang ang ginagawa ni Iza. Yun ay dahil may alinlangan ang Kapuso Network na bigyan siya ng regular show dahil ayaw mag-renew ng kontrata ni Iza sa Kapuso Network at may bulung-bulungan nga na aalis na siya. Takot ang GMA-7 na bigyan siya ng show at bigla silang layasan at bitinin sa ere.
Kasunod ng paglipat ni Iza Calzado sa Kapamilya Network, may mga ulat din na susunod sa kanya doon ang isa pang Kapuso home grown talent na si Carla Abellana. Wala rin kasing offer na bagong project sa kanya ang GMA Network.
Nag-aalisan na ang mga talents ng Kapuso Network, either wala talagang magandang plano ang GMA para sa kanila o sila mismo ang ayaw sa Kapuso. Sa totoo lang kasi, may favoritism sa GMA-7, yung mga artista lang na malakas sa mga Executives ang bini-build up, yung mga madalas magsabi ng "I would like to thank Mr. Filipe Gozon and Ms. Wilma Galvante" sa birthday celebration nila sa "Party Pilipinas", sabihin niyong mali ako.