Pages

Thursday, July 3, 2014

Opinion: Nora Aunor's Disqualification as National Artist

Ang pagkakalaglag kay Superstar Nora Aunor sa listahan ng mga karapat-dapat hirangin bilang National Artist ay isang maiinit na usapin ngayon. Hanggang ngayon ay patuloy na umaani ng batikos ang Pangulong NoyNoy Aquino mula sa libo libong Noranians. And Pangulo kasi ang siyang may kapangyarihan sa paghirang ng National Artist. Sa pinakabagong mga ulat, ang dahilan daw ni PNoy sa paglaglag sa Superstar bilang National Artist ay ang isyung kinasangkutan ng nauna na may kinalaman sa droga. Matatandaan na minsang nahulihan ng ipinagbabawal na gamot si Nora Aunor sa airport.


Heto na tayo sa pinakamahirap na parte, ang aking opinyon. Una po, hindi ako isang Noranian. Noong bata pa ako, inis na inis ako kapag nanonood ang nanay ko ng mga pelikula ni Ate Guy. Ngunit sa palagay ko, karapat dapat lang na ibigay kay Nora ang pagkilala bilang National Artist dahil sa mga kontribusyon niya sa sining ng pag-arte at pagkanta. Hindi ba't iyon naman talaga ang layunin ng paghirang sa National Artist, ang kilalanin ang isang indibidwal sa mga naging ambag niya sa napili niyang sining at nakapagbigay ng karangalan sa bansa?

Si Nora Aunor ay isang mahusay na aktres na gumawa ng ilang daang pelikula at ang husay niya ay kinilalan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa at hindi na mababago yun. Yung sinasabi ng Pangulo na hindi magandang halimbawa si Ate Guy dahil sa pagkakasangkot niya sa iligal na droga ay ibang istorya. Isa yung bahagi ng personal niyang buhay bilang tao at hindi bilang artista. Paalala lang mahal na Pangulo, National Artist ang pinipili mo at hindi isang santo, kahit nga mga santo nagkaroon din ng pagkakamali sa isang yugto ng buhay nila.

Kung magandang halimbawa na rin pala ang pinag-uusapan, sino ba yung isang opisyal ng gobyerno ang nakuhanan ng video na naninigarilyo sa publikong lugar? Sino ba yung pinuno ng bayan diyan na sangkot sa malawakang nakawan sa kaban ng bayan? Sino ba yung pinuno diyan sa palasyo ang nagkakanlong sa mga kaalyado niyang sangkot sa korupsiyon? Magandang halimbawa ba yun? Kung hindi, siguro dapat bumaba na yang taong yan?

Magandang halimbawa ba ang hanap mo mahal na Pangulo? Tingnan mo ito, si Ate Guy ay isang simpleng tao na laki sa hirap at nagtitinda ng tubig sa LRT hanggang sa napansin ang husay niya sa pagkanta at di kalaunan ay sumikat at kinilala bilang Superstar.

Ganun lang kasi talaga ang ugali ng Pinoy, gumawa ka ng isang-daang magandang bagay, okay lang. Magkamali ka ng isang beses yun ang maaalala ng husto. Yun ang halimbawang ipinakita ng Pangulo.

"Kayo ang boss ko", yan ang sabi mo. At kung hindi ako nagkakamali kasama sa mga boss mo ang libo libong Noranians, at ang sigaw nila, kilalaning National Artist ang idolo nila. Yung isyu ng droga ay labas sa propesyon, nadismiss na yung kaso kaya ibang istorya na ngayon. Huwag mo laging personalin mahal na Pangulo, magtrabaho ka!

No comments:

Post a Comment