Pages

Wednesday, April 13, 2016

JENNYLYN MERCADO LILIPAT SA ABS-CBN?

Jennylyn Mercado lilipat ba sa ABS-CBN? Yan ang tanong namin kasabay ng nalalapit na premiere ng pelikulang "Just The Three of Us" na pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema.

Patuloy ding ipinag-iingay ng Kapamilya Network na minsan nang lumabas si Jennylyn Mercado sa teleserye ni John Lloyd Cruz bilang isang dakilang extra, ang tanong ko, galing na pala sa inyo bakit hindi niyo pa kinuhang talent? Hinintay niyo pang manalo sa Starstruck ng GMA-7 at sumikat, tapos ngayon niyo ipag-iingay na "kita niyo yan? dito galing yan!"

Kung totoo mang lilipat si Jennylyn sa Dos, heto masasabi namin, Go! Kahit naman nasa GMA-7 si Jennylyn wala namang masyadong impact, kayang mag-move ng Kapuso Network na wala siya.

Hindi Angel Locsin si Jennylyn Mercado para mapilayan ang GMA-7. At kung sakaling lilipat si Jennylyn sa ABS-CBN, hindi rin naman yun gaanong magdadagdag ng ingay sa kanila, strategy ng ABS yan noon pa, piratahin yung kalaban, kapag nasa kanila na ibuburo nila. Look at Kyla, lalong nawala sa spotlight nung lumipat sa Dos.

No comments:

Post a Comment