Pages

Tuesday, May 10, 2016

Did Daniel Padilla and Kathryn Bernardo Violated the COMELEC Rules?

Mainit ang pangalan ng love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa social media dahil sa kumalat na larawan nila sa arawng eleksyon. Sa nasabing larawan makikita ang dalawa na tila ipinapakita ang balota habang naka-pose.

Mahigpit na ipinagbabawal ng COMELEC ang pagkuha ng selfie sa balota sa loob ng polling precints alinsunod sa Ballot Secrecy Rule, ang sinumang mahuhuli ay maaaring makulong ng hanggang 6 na taon.

Ang tanong ngayon, may nilabag nga ba si Daniel at Kathryn? Well hindi po ako fan ng KathNiel pero sa palagay ko walang nilabag ang dalawang young stars ng Kapamilya Network. Kapag ganitong panahon kasi masyadong maraming matatalino at magagaling sa social media.

Una, ang "selfie" ay ang pagkuha ng larawan sa iyong sarili gamit ang smart phone sabay upload sa Facebook, Twitter, Instagram etc. Sa nasabing pictures ng KathNiel hindi nila kinunan ang sarili nila. Kuha iyon ng photographer mg ABS-CBN para siguro i-feature ang kanilang pagboto. Paano sila magse-selfie eh dalawang kamay nila may hawak sa balota, unless lahing gagamba sila na 8 ang kamay.

Pangalawa, paano nila nilabag ang "ballot secrecy law" eh wala pa ngang marka yung mga balota nila? Makikita pa nga dun na naka-ipit pa sa folder yung balota ni Daniel Padilla. Ang ipinagbabawal ay yung pagkuha ng larawan sa balota na na-shade sabay post sa FB na "feeling fulfilled", para magyabang.

Pangatlo, napag-iinitan lang ang dalawa dahil ini-endorso nila si Presidential bet Mar Roxas na alam naman natin na mainit din sa mata ng mga genius na netizens. Pero hindi ba member ng Iglesia Ni Cristo si Kathryn na nag-endorso naman kay Duterte?

Ang nangyari dito ay merong matalinong anti-Roxas na nakakita mg pictures ng dalawang young kaya ikinalat para ipamukha na bawal yun, yung iba naman matalino rin nag-comment, share at nag-bash without thinking. Ngayon, if the COMELEC do believe the thousands of this genius netizens that the law is indeed violated, abangan natin. Pero I'm 100% sure, Daniel and Kathryn did not violated anything. Biktima sila ng maruming politika at mga taong matatalino. This is the downside of celebrities who endorses a political candidates, napag-iinitan.

Ngayong halos tanaw na ang pagkapanalo ni Mayor Rodrigo Duterte sa Presidency, gusto ko rin magtanong, ano ang plano for this people who uses social media irresponsibly? Pwede mo bang ipalunok sa mga ito yung keyboards ng PC nila at mga smart phones nila?

Paglilinaw lang, hindi ako KathNiel fan o Roxas supporter. I'm one of those people who are tired of this administration. But I am for responsible use of social media, I am against cyber bullying.

No comments:

Post a Comment