Monday, June 21, 2010

Marian Rivera at Dingdong Dantes, Balik Tambalan sa "Endless Love"

Balik tambalan sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa malapit nang ipalabas na Philippine TV remake ng "Endless Love Autumn in My Heart" sa GMA 7. Ito ang papalit sa mababakanteng time slot ng "The Last Prince" na malapit ng magwakas. Gagampanan ni Marian at Dingdong ang papel nina Johnny at Jenny na orihinal na ginampanan ng ng mga Korean actors na sina Song Seung Hun at Song Hye Kyo.

Tampok din sa "Endless Love" ang muling pagsabak ni Marian Rivera sa heavy drama mula sa matagumpay niyang pagganap bilang "Darna". Kasama din sa cast ng "Endless Love Autumn in My Heart" si Dennis Trillo na gaganap sa papel na Andrew na siyang magiging ka-love triangle ni Marian at Dingdong. Ipinakikilala rin sina Kristofer Dangculos at Kathryn Bernardo na gaganap bilang batang Johnny at Jenny.

I love the idea na ibalik ang love team nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa primetime, kaya lang, hindi lang ako sure kung bagay sa kanila yung role. Nasubaybayan ko kasi yung original na "Autumn in My Heart", parang may pagka-teeny bopper dun sila Johnny at Jenny, hindi ko sinasabi na matatanda na sila Marian at Dingdong, kaya lang i-compare mo si Dingdong dun sa original na Johnny, si Marian naman parang matured ang features ng face niya compared kay Song Hye Kyo. In short, baby face yung mga original characters.

Fan ako ng love team nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kilalasa tawag na Dongyan, kaya lang hindi ako sure kung fit sila sa role, kung yung "Endless Love Winter Sonata" ang ni-remake ng GMA 7 swak sila dun, ang problema lang ng Kapuso Network, walang winter dito. But since fan naman ako, good luck pa rin sana mag-rate ito ng 40%.

No comments:

Post a Comment