Sunday, September 19, 2010

Myka, Ikalawang Castaway na Napatalsik sa Survivor Philippines Celebrity Showdown

Napatalsik na rin sa isla ang miyembro ng Magan Tribe na si Myka sa pinakahuling tribal council na ginanap sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Ito ay matapos matalo ang Magan Tribe sa immunity challenge na ipinalabas noong nakaraang Miyerkules sa GMA-7.

Bago pa man ginanap ang tribal council, muntikan ng makatanggap ang Magan Tribe ng double black eye matapos manganib malagasan ng dalawang miyembro dahil sa pagkaka-ospital ni Myka matapos makaranas ng hypothermia tapos ay tutungo ang Magan sa tribal council upang magvote-out ng isa pang miyembro. Ngunit sa mismong oras ng tribal council ay nakabalik si Myka. Subalit buo na sa isip ng mga miyembro ng Magan na patalsikin si Myka dahil sa pagiging liability nito sa tribo. Madalas kasi itong inuupo sa mga challenges dahil sa pagkakasakit nito, tila ba nagiging alagain siya ng tribo.

Nakakadalawang sunod na tribal council na ang Magan Tribe, makakabawi pa kaya sila o tuluyan silang malalagasan ng mga miyembro at maging extinct tribe na? Malalaman natin sa mga tumitindi pang kaganapan sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.

No comments:

Post a Comment