Sunday, October 24, 2010

Jon Hall Was Voted off and Just Became the First Jury

Ang tinaguriang "Siga ng Isla" sa Survivor Philippines Celebrity Showdown na si Jon Hall ay napatalsik na sa isla sa pinakaunang Tribal Council ng Tribo Galone. Isang malaking twist ang naganap, si Jon ang pinakamalakas na Castaway sa isla at maraming nag-akala na tatagal siya at malaki ang potensyal na siya ang mananalo ng P3 Milyon ngunit ang lakas niya at talino ang siya ring naging dahilan upang siya ang unang mapatalsik sa isla sapul nang mag-merge ang Nagar at Sar Mayee bilang Tribo Galone.

Nauna rito, nabigo si Jon na masungkit ang immunity necklace sa kauna-unahang immunity challenge na pinagwagian naman ni Akihiro. Matapos ang immunity challenge na iyon ay naramdaman na ni Jon at nang girlfriend niyang si Michelle na isa sa kanila ang uuwi dahil alam nila na sa day 1 pa lang nila sa isla ay hindi na gusto ng ibang Celebrity Castaway na manatili pa sila. Naging malaking factor sa pagkakatalsik ni Jon ang kawalan niya ng solid alliance sa ibang ka-tribo at tila umubra ang alliance na nabuo ni Aubrey dahil kung susuriin ang resulta ng botohan sa Tribal Council, unanimous ang lahat ng miyembro ng Galone sa pagboto kay Jon at Michelle, yung dalawang boto na nakuha doon ni Aubrey ay nanggaling lamang kkay Jon at Michelle at hindi iyon sapat. Aubrey and the others have literally ganged up against Jon and Michelle, nagtulong-tulong sila at nagtagumpay sila.

May pagkakataon pa sana si Jon na manatili sa isla dahil sa taglay niyang Immunity bracelet na posible sanang magligtas sa kanya, ngunit ibinigay niya iyon kay Michelle, kung hindi niya ito ibinigay, si Michelle sana ang dapat na napatalsik, ngunit hanggang sa huli ay nanatiling solid ang alyansa nilang dalawa kaya si Jon ang napatalsik at mananatili pa si Michelle ang ilang araw pa.

Nagtagumpay si Aubrey at ang iba na mapaalis ang isa sa itinuturing nilang malaking banta para makuha ang 3 milyon, ngunit hindi lubos ang tagumpay na iyon, dahil ang plano sana nilang patalsikin ay si Michelle pero sa ginawa ni Jon na pagpasa ng Immunity bracelet kay Michelle ay na-blindside sila, pero mag-isa na lang ngayon si Michelle, wala siyang alyansa na sasagip sa kanya at malamang na matanggal na rin siya sa susunod na Tribal Council, ang pag-asa na lang niya ay manalo ng Immunity na mukhang malabo na rin, Aubrey and others are like a pack of wolves ready to attack their next prey.

Ganito ang laro ng Survivor, hindi sapat ang lakas, kilangan din ng talino, talinong pumili ng mga ka-alyansa at talino sa pakikisama, hindi nagustuhan ng kanilang mga ka-tribo ang naging attitude ni Jon at Michelle kaya napatalsik ang una at nanganganib na sumunod ang huli. Pero hindi pa puwedeng magsiguro ang mga naiwang Castaway sa isla, dahil nang mapatalsik si Jon, they officially made him the first member of the Jury, ang Jury na ito ay bubuuin ng mga mapapatalsik na Castaway at sila ang boboto kung sino sa final 3 or final 2 ang magiging Celebrity Sole Survivor, kaya kailangan na pag-isipan din ng mga Castaway kung sino ang kanilang patatalsikin dahil bawat mapapatalsik na magiging bahagi ng Jury ay maaaring tumulong o maging dahilan para hindi sila manalo.

Nagiging kaabang-abang ang Survivor Philippines Celebrity Showdown, kahit ano puwedeng mangyari.

No comments:

Post a Comment