Tuesday, November 23, 2010

Moi, Napatalsik na sa Survivor Philippines Celebrity Showdown!

Si Moi ang ika-13 castaway na napatalsik sa Survivor Philippines Celebrity Showdown kagabi, at si Moi din ang magiging ika-6 na miyembro ng Jury na siyang pipili sa magiging kauna-unahang Celebrity Sole Survivor.

“Nagulat ako, akala ko hindi ako mavo-vote out. Kasi nag-aaway-away sila. Pero siguro ito ang time talaga para sa akin. Hindi ko makukuha ang pinapangarap ko. Well, tanggap ko naman. Masakit kasi akala ko friends ko sila. Pero it’s part of the game, tatanggapin ko na lang. Good luck sa kanila. Pagdating sa final jury, kung sino talaga ang karapat-dapat na manalo para maging Sole Survivor,” – Moi.
Lahat naman siguro ng viewers ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ay nagulat sa pagkakaalis ni Moi, dahil napapanood naman natin na si Moi ay may alyansa kay Aubrey at Ervic at dagdag pa yung tensyon na namuo sa pagitan ni Ervic at Akihiro kagabi, nagparinigan at nagpasaring sila sa isa't isa na akala mo mag-aaway na. At siyempre kung ikaw ang nasa katayuan nila Ervic at Aubrey iisipin mo rin na tanggalin si Aki dahil malakas siya at mas malaki ang potensiyal niyang manalo.

Ang nagsilbing downfall dito ni Moi ay nagtiwala siya kay Aubrey at Ervic at Solenn, akala niya kabilang siya sa alliance, noon kapag ping-usapan kung sino ang tatanggalin sumusunod agad siya, pero sa bandang huli siya rin ang naging biktima. Masyado siyang nakinig sa alliance at hindi siya nagdesisyon nang sarili niya.

Pero nangyari nga, na-blindside si Moi, ibinoto niya si Aki dahil akala niya ay iyon ang napagkasunduan nila, pero nagbago ang takbo ng laro. Unanimous ang naging desisyon nila na patalsikin si Moi. At kahit naman si Aki halatang nagulat din na si Moi ang natanggal dahil inasahan na niya na siya ang pauuwiin.

Dahil sa pagkakatanggal ni Moi, nawala na rin yung mga haka-haka at ispekulasyon na siya ang nanalo. Noon kasing bago nagsimula ang Survivor Philippines Celebrity Showdown may mga nagpakalat ng balita sa mga social networking sites partikular sa Twitter, sabi nila si Moi daw ang nanalo ng P3 Million, balak sigurong isabotahe ang Survivor Philippines para mabawasan ang interes ng mga televiewers, pero pinabulaanan agad iyon ng GMA-7 at ibinalita na wala pang winner dahil ang voting ay gagawin ng live sa December 3, 2010. Balak lang siguro.

At dahil din sa pagkakatalsik ni Moi, mukhang sigurado na si Aki na ang mananalo ng P3 Million at magiging first Celebrity Sole Survivor. I-examine na lang natin ang tribal jury na binubuo nina Jon, Aira, Michelle, Ahron, Elma at ngayon si Moi, lahat sila mga tinanggal at na-blindside nina Aubrey at Ervic kaya maliit ang chance na iboto nila ang sinuman sa dalawa, kung gusto nilang gumanti ito ang tamang pagkakataon. Hindi rin naman nila ibooto si Solenn dahil mayaman na siya at hindi na kailangan ng P3 Million, mas lamang si Aki dahil naging strategy niya ang pagiging mabait sa lahat at deserving siyang manalo dahil marami siyang naipanalong challenge at napatunayan niyang malakas siya kaya kung boboto ang jury malamang kay Aki na.

Dito nagkamali si Aubrey at Ervic, solid nga ang alliance nila kaya nakarationg sila sa top 4 pero on their way to the top marami silang nasagasaan, nawala yata sa isip nila na bawat matatanggal nila ay magiging part ng jury na siyang magdedesisyon sa kapalaran nila sa Survivor Philippines Celebrity Showdown

No comments:

Post a Comment