Monday, February 28, 2011

Nova Villa Ipinagtanggol si Barbie Forteza sa mga Intriga

Ipinagtanggol ng beteranang aktress na si Nova Villa ang Kapuso Tween Star na si Barbie Forteza laban sa mga intrigang ipinupukol dito. Sa interview kay Nova Villa ng website na Philippine Entertainment Portal sinabi ni Nova Villa na "Magalang pa ang batang 'yan kaya imposibleng magkaroon siya ng attitude problem." Co-star ni Barbie Forteza sa Nova Villa sa afternoon soap ng GMA-7 na "Nita Negrita".


Narito ang buong bahagi ng pahayag ni Nova Villa kaugnay sa tanong ng PEP tungkol sa working relationship nila ni Barbie Forteza sa "Nita Negrita":


Kaya nga nagtataka si Tita Nova kung saan nanggagaling ang mga balitang nagpi-primadonna na raw ang bida ng teleserye na si Barbie Forteza.
 
Ayon kay Tita Nova, never daw niyang nakitaan ng pagiging mayabang or pagiging pasaway si Barbie sa taping nila.
 
"Halos lahat naman ng mga eksena ko, kasama ko itong si Barbie. Wala akong nararamdaman na hindi maganda sa batang 'yan. Kapag nasa set nga 'yan, laging naka-smile. Yung mga ngipin niyang puti ang nakikita mo parati kasi the whole time ay naka-makeup siya ng itim.
 
"E, panay iyakan pa naman ang mga eksena niya kaya makikita mong nagtatrabaho siya nang maayos. Kapag wala naman siyang take, nakikipagkuwentuhan siya sa amin.
 
"Kaya nagugulat ako na may mga ganyang balita tungkol sa batang 'yan. Ang sa akin lang, wala akong problema kay Barbie at maayos ang trabaho namin sa isa't isa. Magalang pa ang batang 'yan kaya imposibleng magkaroon siya ng attitude problem."
 
Hinala lang ni Tita Nova na marami ang naiinggit kay Barbie kaya may mga naninira rito.
 
"Ganyan naman talaga, 'di ba? Kapag may sumisikat na bagong artista, may mga naninira. Hindi maiiwasan iyon.
 
"Ilang mga batang artista na ang nakatrabaho ko sa showbiz. Mga malalaki ang pangalan ng mga nakakatrabaho ko at kakabit nga ng kasikatan nila ay ang maiiintriga sila o may maninira sa kanila.
 
"Sinasabi ko na lang sa mga batang ito na huwag silang papa-apekto at idaan na lang sa dasal ang lahat. The Lord will have the answer sa lahat. Basta hindi ka nakakalimot na magdasal, hindi ka makakalimutan ni Lord," diin pa niya.
 via: Philippine Entertainment Portal


  

6 comments:

  1. ok lang yong enyong fierst epesod nyo ne jusoa

    ReplyDelete
  2. mabuti naman at may mga anghel na kapareho ni tita nova villa na nagsasabi ng totoo at may takot sa dios...congratz barbie forteza napakaganda ng nita negrita at mataas din ang ratings!

    ReplyDelete
  3. hindi ko napanood yun, pero ok ang ratings.

    ReplyDelete
  4. oo nga wla nman attitude problem si barbz at insecure lng sa knya ung mga ngssabi nun..thanks kay tita nova at pinagtanggol nya si barbz ♥

    ReplyDelete
  5. tagalugin mo nga ung insecure na cnasabi mo konyatan kta dyan ehh

    ReplyDelete