Friday, March 4, 2011

Pagbabalik ng Captain Barbell sa Primetime Malapit na!

Nalalapit na ang pagbabalik sa Primetime ng Captain Barbell na pagbibidahan pa rin ng Kapuso Primetime King na si Richard Gutierrez.


Itinuturing itong pinakamalaking pagbabalik ng pinakabigating superhero sa Primetime dahil sa pagkakataong ito ay may makakasamang ibang superhero si Captain Barbell na tutulong sa kanyang ipagtanggol ang mundo laban sa mga magtatangkang maghasik ng kaguluhan at sa pagkakataon ding ito ay hindi lamang isa kundi apat ang leading lady ni Richard Gutierrez sa muli niyang paglipad bilang Captain Barbell. Makakasama niya si Solenn Heussaff, Michelle Madrigal, Lovi Poe at ang nagbabalik Primetime na si Isabel Oli dagdag pa ang cute na cute na si Jillian Ward bilang sidekick ni Richard.

Sa susunod na linggo ay baka ipakita na si Richard Gutierrez suot ang kanyang Captain Barbell costume dahil dumating na ang naturang costume na ipinagawa pa sa Hongkong kaya abangan nating lahat.

No comments:

Post a Comment