Tuesday, June 28, 2011

Richard Gutierrez Lilipat sa TV5?

Nabanggit ko kahapon sa post ko ang tungkol sa posibilidad ng paglipat ni Richard Gutierrez sa TV5 at tila hindi na ito mapipigilan dahil last week ay ang nanay at manager ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama ang nagbanta na ililipat nga niya ang kanyang anak sa TV5.
Patuloy kasi sa pagrereklamo si Annabelle Rama tungkol sa diumanoy pagbabawas sa talent fee ni Richard Gutierrez at tungkol sa isang insidente kung saan ay siningil daw ang aktor ng P280,000 dahil sa pag-absent niya sa taping ng Captain Barbell na kasalukuyan pang umeere.

Nakatakdang magtapos ang Captain Barbell sa July, at ang tanong ay kung ililipat ba talaga ni Annabelle Rama ang kanyang anak sa TV5, at kung sakaling mangyayari ito, pipigilan ba ng GMA-7 o hahayaan na lang siyang lumipat?

Kung opinyon ko naman ang tatanungin, kung gustong lumipat, e di pagbigyan, ano ba ang mawawala? Ang Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard ang pinakamahina sa ratings sa buong primetime line-up ng Kapuso Network, at kung istorya naman ang tatanungin, eh hindi rin naman kaabang-abang at interesante, kahit nga fans ng love team nina Jhake Vargas at Bea Binene ay hindi nanonood ng Captain Barbell dahil hindi nila gusto ang role ng mga idol nila.

At palagay ko lang naman ay nawala na ang magic ni Richard Gutierrez sa mga televiewers, hindi na siya kasing-sikat ng dati, kahit nga yung last movie niya na "My Valentine Girls" ay hindi rin masyadong kumita, hindi naman siguro kawalan sa Kapuso Network kung lilipat siya sa TV5, baka panahon na rin para pagbigyan ang mga bagong talents ng GMA-7

No comments:

Post a Comment