Monday, September 12, 2011

Barbie Forteza at Joyce Ching, Bida sa Remake ng "Ikaw Lang ang Mamahalin"

Si Barbie Forteza at Joyce Ching ang mga bida sa pinakabagong afternoon soap ng GMA-7 na "Ikaw Lang ang Mamahalin".

Ang "Ikaw Lang ang Mamahalin" ay remake ng top rating primetime soap ng Kapuso Network na may parehong title noong 2001. Pinagbidahan naman iyon ni Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon.

Makakapareha naman nina Barbie at Joyce ang mga partner nila sa "Tween Hearts" na sina Joshua Dionisio at Kristoffer Martin.

Ang iba pang cast ng "Ikaw Lang ang Mamahalin"(2011) ay sina Sheryl Cruz, Gardo Versoza, Matet de Leon, Ehra Madrigal, at Tanya Garcia at ito ay nasa direksiyon ni Dick Landayag. Ang "Ikaw Lang ang Mamahalin" ay kabilang sa Dramarama sa Hapon Block ng GMA-7.


Palagay ko papatok na magkaribal sa remake ng "Ikaw Lang ang Mamahalin" si Barbie Forteza at si Joyce Ching. Sa "Tween Hearts" close friends sila dito naman sa bago nilang soap mortal silang magkaaway. Sana lang maging consistent ang istorya ng "Ikaw Lang ang Mamahalin" (2011), yun kasing original naging magulo dahil maraming gusot sa mga artista at production. And I think mas maganda rin kun sa primetime block ito inilagay, siguradong mas maghi-hit. Hindi pa uli nagkaroon ng show sa primetime ang JoshBie since "Pilyang Kerubin", kayo mga JoshBie fans diyan, anong palagay niyo?

Pero sigurado pa ring maghi-hit ang "Ikaw Lang ang Mamahalin" (2011) dahil magagaling ang mga in-charge sa production ng mga shows sa Dramarama sa Hapon. "Nita Negrita" na bida rin ang JoshBie, nagtapos yun na mataas ang ratings.