Wednesday, September 7, 2011

Angeline Quinto at Coco Martin, Magsasama sa Pelikulang "You Light Up My Life"

Tila gusto ring i-groom ng Kapamilya Network ang Star Power winner na si Angeline Quinto bilang movie star dahil balitang may upcoming movie sila ng Kapamilya actor na si Coco Martin.

"You Light Up My Life" ang working title ng pelikulang pagtatambalan nina Angeline Quinto at Coco Martin at sinisimulan na raw mag-shoot para dito.

Gusto ba ng ABS-CBN na maging susunod na Sarah Geronimo si Angeline? Mula pagkapanalo sa isang talent search, sa sold-out solo concerts, best selling albums at ngayon ay isang pelikula. Si Angeline Quinto na kaya ang magiging fastest rising star ng taong 2011?

Palagay ko hindi. Kulang pa. Si Sarah Geronimo nagsimula sa maliliit na role sa mga pelikula ng VIVA bago sumikat na bida sa pelikula with John Lloyd Cruz. At yung press release na "Ultimate crush" daw ni Angeline si Coco Martin, sino pa ba ang may pakana nun kundi ABS-CBN, para i-promote lang yung movie.