Wednesday, September 7, 2011

Heart Evangelista Mananatiling Kapuso

Mananatitling Kapuso si Heart Evangelista. Ito ang pahayag ng aktres matapos pabulaanan ang mga bulung-bulungan na babalik siya sa Kapamilya Network kung saan nagsimula ang kanyang career.
Nagsimula ang mga espekulasyon ng pagbabalik ni Heart sa ABS-CBN matapos siyang dumalo sa Star Magic Ball na isang event ng Kapamilya Network.

Ayon kay Heart inimbitahan siya sa nasabing event ng Star Magic heads na sina Johnny Manahan (Mr. M) at Mariole Alberto na siyang itinuturing niyang mga magulang sa show business  at yun lang ang dahilan.

“No,” pahayag ni Heart. “I don’t want naman to let people [feel] na ay pina-pirate. It wasn’t like that. I was invited by Mr. M and tita Mariole. Okay naman kami.  We have a good relationship. I’m really, really happy. Growing up with them was really great,”. Paliwanag ni Heart sa isang mini presscon na ginanap noong September 5.

Hindi naman pala lilipat eh. At bakit nga naman kailangang bumalik dun eh maganda naman ang exposure ni Heart Evangelista sa GMA. Sumigla pa nga ang career niya nung lumipat siya sa Kapuso eh. Nung mga huling araw niya kasi sa Kapamilya parang matamlay na ang career niya.