Thursday, September 15, 2011

Tweens Academy Class of 2012 Earns P30.34 Million in 2 Weeks

Sa wakas ay inilabas na rin ang Box Office report para sa "Tweens Academy Class of 2012" ng GMA Films. Hindi naman pala flop ang naturang pelikula gaya ng mga haka haka ng ilan.

Sa 2 weeks sa sinehan ng "Tweens Academy Class of 2012" simula ng release nito noong August 24, 2011, kumita ang naturang pelikula ng decent amount na P30.34 Million sa Box Office.

Kung ikukumpara nga dun sa "Way Back Home" ng Star Cinema, mas maganda pa ang resulta sa takilya ng "Tweens Academy Class of 2012" dahil yung "Way Back Home" ay kumita lang ng P25.8 Million in 2 weeks time.

At yung "Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington" na sinasabi ng ilan na mas tinangkilik pa kesa sa pelikula ng mga Tweens ay kumita lang ng P7.62 Million in 2 weeks.

Showing pa rin sa sinehan ang mga pelikulang nabanggit, at mababago pa ang resulta nila sa takilya, hihintayin namin yun hanggang ilabas ang huling figures.


TOP-GROSSING PINOY FILMS FOR 2011 SO FAR
(As of September 14, 2011)

1. Catch Me…I’m In Love – P120.21M
2. In the Name of Love – P117.2M
3. Pak! Pak! My Dr. Kwak! – P72.31M
4. Bulong – P67.27M
5. Temptation Island – P60-M

6. Who’s That Girl? – P58.31M
7. Forever and a Day – P44.73M
8. My Valentine Girls – P44.26M
9.Tween Academy: Class of 2012 - P30.34-M *
10. Ang Babae sa Septic Tank – P30.26M

11. Way Back Home – P25.8-M *
12. The Adventures of Pureza: Queen of the Riles – P19.84-M
13. Wedding Tayo, Wedding Hindi! - P16.58-M*
14. Tumbok – P10.53M
15. Zombadings 1: Patayin Sa Shokot si Remington – P7.62-M*

Note: All movies marked with an asterisk (*) are still showing in theaters
Figures are estimates from third party tabulator Box Office Mojo.