Pages

Sunday, October 13, 2013

A New Beginning on GMA Telebabad with Genesis

Bukas na ang pilot airing ng pinakabagong primetime show ng Kapuso Network na "Genesis" na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. Tampok din dito ang multi-awarded actress na si Ms. Lorna Tolentino sa natatanging pagganap bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Natatangi ang ang konsepto ng "Genesis" dahil tinatalakay dito ang aftermath ng End of the World, kung paano magsisimulang muli ang sangkatauhan matapos magunaw ang mundo. Naging popular ang ganitong tema ng mga pelikula at TV series last year lalong lalo na sa Hollywood dahil sa December 21, 2012 end of the world prediction ng mga Mayans. This is the main reason that I am giving GMA-7 an "A" rating, dahil finally naisip ng mga writers nila na bumuo ng isang teleserye na may element ng isang Science Fiction film. Kompleto ang elemento ng "Genesis" as a doomsday themed teleserye, mga tunay na tao at characters ang present dito gaya ng Pangulo Pilipinas na ginagampanan ni Ms. Lorna Tolentino, ano nga ba ang gagawin ng pinakamakapangyarihang tao sa bansa kung sakaling magugunaw na ang mundo? Gagamitin ba niya ang PDAF o DAP para iligtas ang nasasakupan niya?
Pasado din sa para sa akin ang balik tandem ni Dingdong Dantes at Rhian Ramos, ang love story nila ang magbibigay kulay sa teleserye, paano nga ba magpapakatatag ang dalawang taong nagmamahalan sa napipintong wakas ng sanlibutan?

Kung mayroon akong bibigyan ng lagpak na rating sa "Genesis" yung marahil trend ng Kapuso Network na simulan ang kanilang soap kung saan ang mga bida ay childhood sweethearts, kailangan ba na ang bawat loveteam ay magkakilala bilang mga bata? Hindi pa puwedeng nagkakilala lang sila sa Facebook o nagkabanggaan lang sa daan?

Bukas, 10.14.13, ang wakas at bagong simula, "Genesis", pagkatapos ng 24Oras sa GMA-7.


No comments:

Post a Comment