Pages

Sunday, May 29, 2016

Let's Talk About Eat Bulaga!

Pag-usapan natin ang Eat Bulaga!, bakit? Wala naman, as in wala namang bago sa kanila para pag-usapan, pero sa loob kasi ng 36 ng EB, sila yung TV show na part na ng Filipino pop culture at masarap pag-usapan. Maghanda na kayo ng kape, tea o kahit anong maiinom habang pinag-uusapan natin ang Eat Bulaga!

Lately ay ibinalik ng Eat Bulaga! ang Pinoy Henyo. Nitong mga nakalipas na taon kapag walang maisip na bagong portion ang EB creatives ibinabalik nila yung mga segments nilang luma, "Laban o Bawi", "Super Sireyna", "Ikaw at Echo". Ang pagbabalik ng Pinoy Henyo ay senyales na wala nga silang maisip na bago.

Tila na-stuck sila sa AlDub Kalyeserye na halos pinagsawaan na ng televiewers. Aminin man nila o hindi, malaki talaga ang decline ng viewership ng EB pagkatapos humupa ng AlDub fever, nakabawi na ang katapat nilang It's Showtime ng ABS-CBN at hindi na rin trending sa Twitter ang AlDub.

And although inihiwalay na ang Kalyeserye sa Juan for All, All for Juan which I think is a good move para mahasa sa hosting si Maine Mendoza, ang laki naman ng kinakain na air time ng Kalyeserye. Minsan overtime pa nga ang EB kahit wala namang masyado ginawa. Hirap silang pagkasyahin yung tatlong portion na meron sila, hindi yun ang Eat Bulaga! na kinalakihan ko, ang dating Eat Bulaga! hirap pagkasyahin sa one and a half hour yung damin ng portions nila, ngayon two hours na sila pero kinukulang pa samantalang tatlo lang ang segments.

I think it would be the best thing for EB to move on from AlDub, eh ano naman kung hindi umabot ng one year ang AlDub which is on July? Ganun naman talaga, walang forever, tama na yung ilang buwan nilang pinakilig ang bayan, ilagay na lang yun sa isa pang pahina ng Eat Bulaga! record book.

Pwede bang bumalik na yung dating Eat Bulaga! na hitik sa pakulo na namimigay ng libo libong pa-premyo, at nagpapasikat ng mga bagong celebrities? Yung Eat Bulaga! na bongga ang production numbers at makulay na stage? Yung Eat Bulaga! na binisita ng international celebrities from John Denver to ABBA, from 98 Degrees to A1, from David Cook to Miley Cyrus at isama pa si Batista pati yung mga NBA players, pwede po ba?

Walang masama sa AlDub, maaaring bumaba ang ratings nila ng bahagya dahil sa naturang segment, pero ito rin siguro ang dahilan kaya somehow ay hindi pa rin sila naiiwanan ng It's Showtime dahil sa mga loyal fans na natitira, but sooner or later pati yun huhupa na.

Drop the AlDub now, gawin ng regular host si Maine at ibalik na si Alden sa GMA-7. Kung nagawa nilang mahumaling ang buong Pilipinas sa AlDub, siguradong makakagawa rin sila ng isa pang hit na pupukaw sa televiewers, yun ang Eat Bulaga! na kinalakihan ko.

No comments:

Post a Comment