Nagsimula na ang Encantadia 2016, at gusto malaman ng lahat, ano ang ratings? Nalampasan ba nito o napantayan man lang yung household ratings na naitala ng Encantadia noong 2005?
Ang malungkot na balita ay hindi. Hindi magandang simula para sa Encantadia. Sa kabila ng magandang promotions, tv plug at kung anu ano pa, nagtala ang Encantadia 2016 pilot episode ng 21.0% household ratings laban sa 42.4% ng katapat nitong "FPJ's Ang Probinsiyano" ng ABS-CBN noong July 18. Base yan sa audience measurement ng Kantar Media.
Ayon naman sa AGB-Nielsen Mega Manila ratings, panalo ang 26.1% ng Encantadia kontra sa 24.2% ng Ang Probinsiyano. Pero compared sa pilot episode ng Encantadia noong 2005 na nagtala ng higit 40%, mababa ito. Hindi maiiwasan i-compare ang Encantadia 2016 sa 2005, at kahit sabihin pa ng Kapuso Network na hindi nila nais lampasan ang mga naunang accomplishments ng Encantadia, hindi maiaalis ang pressure na gusto nilang gawin yun. At siyempre yung mga naunang fans ng Encantadia ikukumpara talaga yung dalawang versions. Yun ang dahilan kaya hindi rin masyadong success ang mga reboot sa Hollywood.
Isa bang pagkakamali na ibalik ang Encantadia? Nag-iba na ba ang hilig ng mga fans 10 years ago? Mali ba ang casting? O talagang hirap talaga ang GMA-7 na maka-iskor laban sa programa ng higanteng ABS-CBN? Abangan pa natin sa susunod na mga araw?

No comments:
Post a Comment