Kaugnay naman sa dating host ng Wowowee na si Willie Revillame, kinausap naman daw ito ng maayos ng pamunuan ng ABS-CBN gayon din ang kanyang manager at pinangakuan ito ng isang bagong TV show kapalit ng Wowowee.
Tungkol naman kay Robin Padilla, may mga balita na ang talent fee daw na tatanggapin niya sa pagho-host ng "Pilipinas, Win na Win!" ay tumataginting na P25 Million kada buwan. Matatandaan na tumayong host ng Wowowee sa Robin Padilla kapalit ni Willie Revillame at naging hit ito sa mga manonood, naging trending topic pa nga iyon sa Twitter at dahil din sa dun, naging mainit na usapan na may relasyon sila ni Mariel Rodriguez na co-host niya, ngayong magkakasama ulit sila sa "Pilipinas, Win na Win!" tiyak na sila ang magiging atraksiyon sa mga manonood.
Naisulat noon na papalitan ang Wowowee ng dalawang game show na ihu-host nina Robin Padilla at Kris Aquino(click here), pero nag-deny ang ABS-CBN tungkol sa balitang ito at sinabing mga espekulasyon lang ang balita. Pero ngayon magkasama si Robin at Kris sa "Pilipinas, Win na Win!". Parang Wowowee din ang bagong show na ito, pinalitan lang ang main hosts at ang title, pangalan kasi ni Willie ang naaalala kapag narinig ang Wowowee, para na rin siguro mawala ang kahit anong alaala ni Willie sa show kaya nagreformat. Mukahang bagong hamon na naman ito para sa karibal na programang Eat Bulaga! paano kaya magrerespond dito ang longest running noontime show sa Pilipinas, paano kaya ito haharapin ng mga Idol kong Tito, Vic, and Joey?
No comments:
Post a Comment