Isa si Chynna Ortaleza sa nananatiling loyal sa Kapuso network. Mula nang pasukin niya ang showbiz pagkatapos niyang lumabas sa isang softdrink commercial ay naging talent na siya ng GMA-7.
Nagsimula siya sa youth-oriented show na Click, kung saan naging ka-loveteam niya si Richard Gutierrez. Pero mula nang buwagin ang kanilang tambalan ay tila napag-iwanan na si Chynna, habang si Richard ay pumainlanlang ang career at ngayon ay itinuturing na isa sa top leading men ng Kapuso network.
Sa press conference noon ng Magic Palayok—kunsaan gumaganap si Chynna bilang Natasha—naitanong sa 27-year-old actress kung bakit tila hindi siya masyadong nabibigyan ng chance gayong isa siya sa pinaka-loyal talent ng Kapuso network.
Pero depensa naman ni Chynna, "Hindi, feeling ko ano lang 'yan, sometimes suwerte. Sometimes natapat ka rin sa magaling na manager.
"Ako naman, parang sa akin, palagi ko rin sinasabi na basta may trabaho, masaya na ako. Basta may trabaho, good thing na yun... Up to sa dulo, noong muntik na akong lumipat, ang iniisip ko lang trabaho.
"Wala akong iniisip kung bida, kontrabida, support, wala. Basta may trabaho ako. Kasi, I believe if you're an actor, kahit gaano kaliit 'yan, kung talagang magtitiyaga, magmamarka 'yan kahit na anong eksena."
Natutuwa naman si Chynna na nakikita raw ng Kapuso network ang kaya niyang gawin, lalo na sa mga role na ipinagkakatiwala sa kanya. Sa Magic Palayok nga, malaking bagay sa kanya to work side by side with her idol, Cherie Gil, kunsaan magkapatid ang role nila.
First time din ni Chynna to work with reel- and real-life sweetheart na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.
"Ito talaga ang unang project na nakatrabaho ko sina Geoff and Carla. Okey naman. Ako yung pang-gulo sa loveteam nila rito!" natatawang sabi niya.
Pero mas natatakot daw siya dahil siya ang nagpapahirap sa young actress na si Angeli Nicole Sanoy, na siyang gumaganap bilang Cookie.
"Natatakot na talaga ako kasi ako yung bumubugbog sa bata. As in, bugbog talaga! You know how Direk Joel Lamangan is, ayaw niya yung parang peke.
"At saka ito namang bata, gusto niya talaga na totohanin ko. Halimbawa, magba-blocking kami, tapos rehearsal, tatapikin ko siya. Pero kapag magti-take na, lalapit siya, sasabihin niya, 'Ate, totohanin mo!'
"Feeling niya, natutulungan nga naman ang emotion kapag ganoon. Hindi siya masyadong nahihirapan," kuwento ni Chynna.
May isang beses nga raw during their taping na na-guilty na siya.
"May isang time na pinalo ko siya nang pinalo. Pagtingin ko, meron na siyang red, red... Sabi ko, 'Naku, ako ba ang gumawa niyan? My God, baka idemanda ako ng nanay mo. Ano ba 'yan? Tama na.' Gumagano'n na ako, 'Hindi ko na gagawin.'
"Tapos, sabi niya, 'Hindi, ate, okay lang 'yan...pula lang 'yan.' Sabeee! Sabi ng bagets!" napapailing na natatawa na lang na sabi ni Chynna.
Nang tanungin si Chynna kung this time ay ready na siyang katakutan o kainisan, lalo na ng mga bata, sinabi niya na magandang pambalanse na may pagka-Disney ang peg ng character nila ni Cherie Gil.
"You know what, what's good is the characters are also funny. They are not just kontrabida, they are also funny. Very Disney. Hindi siya serious na heavy drama, it's very Disney ang peg," aniya.
via: PEP.ph
No comments:
Post a Comment