Wednesday, February 9, 2011

"Reel Love Presents: Tween Hearts" Extended Until October 2011!

Extended until October 2011 ang Youth Oriented program ng GMA-7 na "Reel Love Presents: Tween Hearts"! Ito ay dahil laki ng fan base at sa mataas na ratings na nakukuha ng programa hindi lamang sa AGB Nielsen Philippines kundi pati na rin sa Kantar Media National TV Ratings na monopolized lagi ng Kapamilya Shows.


Noong nakaraang Linggo, February 6, dinaig ng 10.9% ratings ng "Tween Hearts" ang 9.5% ng karibal nitong programang "Your Song Presents: Kim" tampok ang reunion ng love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson na itinuturing na hottest love team of this generation. Kantar Media National TV Ratings ang pinag-uusapan ditoat siyempre sa Mega Manila Ratings ng AGB Nielsen mas malaki pa ang gap ng ratings ng dalawang programa kaya it's safe to say na tinalo ng JoshBie ang Kimerald.

Sa pangunguna ng Tween royalties na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Derek Monasterio at ngayon ay kasama na rin si Kylie Padilla, patuloy nilang pakikiligin ang mga televiewers.

Dahil nga extended and "Tween Hearts" this would only mean na hindi aalisin dito sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio dahil magkakaroon sila ng "Nita Negrita" but instead, mas dadalas na silang makita ng fans from Monday to Friday and Sunday. Good na ako dun!

No comments:

Post a Comment