Thursday, January 26, 2012

Richard Gutierrez Signs With VIVA Entertainment

Pumirma ng kontrata sa VIVA Entertainment ang aktor na si Richard Gutierrez. Ang kontrata ay para sa management ng mga endorsement deals, which means na ang VIVA na pinamumunuan ni Boss Vic del Rosario ang hahawak sa mga endorsement deals ni Richard Gutierrez. Maliban kay Richard, pumirma din para ng kontrata sa VIVA ang mga kapatid niyang si Raymond at Ruffa Gutierrez.

Kaugnay ng latest development na ito, ihinayag ng VIVA Boss na si Vic del Rosario na may mga pagkakataon na ipapareha si Richard Gutierrez sa ilang mga talents ng VIVA at isa sa nagunguna sa listahan ay ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Tungkol sa mga upcoming endeavours ni Richard sa GMA-7 na marami rin ang curious dahil nalalapit na ang pagtatapos ng Survivor Philippines kung saan host si Richard, nakipag-meeting na diumano ang aktor sa creative team ng Kapuso Network kaugnay sa susunod niyang project sa GMA-7. action-drama raw ang tema ng nasabing project ng Kapuso Network para kay Richard.

Kung ano man ang project na iyon para kay Richard, sana hindi na Fantaserye of Superhero ang tema dahil tila nasawa na ang mga televiewers na makita si Richard na naka-costume, lumilipad at may kakaibang kapangyarihan. Subukan niya naman gumawa ng soap opera kung saan normal siyang tao na haharap sa mga sitwasyon na hinaharap ng isang ordinaryong tao sa pang-araw araw na buhay. At isa pa naglakihan na rin yung mga bata noon na nag-idolize kay Richard bilang isang superhero.

At tungkol naman sa plano ng VIVA na ipareha si Richard kay Sarah Geronimo, mukahang magandang idea yun, hindi pa nagtambal ang dalawa kahit minsan at mukha namang may chemistry sila kapag pinagsama. Mukhang magiging trend sa pelikula ang pagsasama ng Kapamilya at Kapuso Stars, nauna na yung team up ni Dingdong Dantes at Kris Aquino sa MMFF Entry na "Segunda Mano" at may rumors din na magsasama sa pelikula si Angel Locsin at Marian Rivera. Maganda dahil imposibleng mangyari ang mga ganitong tandem sa TV.