Nasa No.8 kasi ng MYX Pinoy Countdown ang collaboration single nila na "Hari ng Tondo" na theme song ng MMFF 2011 Entry na "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story". At ang naturang single ay nasa No.18 naman sa MYX Hitchart.
Nakakatuwa lang dahil si Dennis ay produkto ng reality talent search ng Kapuso Network at ang MYX naman ay sister station ng Kapamilya Network pero game na game na in-interview siya ni VJ Bianca at naalala ko pa yung tanong ni VJ Bianca kay Dennis na "anong feeling mo na sa lahat ng ka-batchmate mo ay ikaw ang pinakaunang nagkaroon ng music video?"(she is talking about GMA-7's reality show Protege) game rin naman yung sinagot ni Dennis.
Kunsabagay wala namang kaso kung lumabas si Dennis sa MYX na sister station ng ABS-CBN dahil music channel naman iyon. Music should unite the world, regardless kung saang Network napanood ang reality show na sinalihan mo at kung saang Network ka naka-kontrata. Try naman nila sa susunod na makapag promote din ng album ang mga Kapuso Recording Stars sa "ASAP" at ang mga Kapamilya Recording Stars naman sa "Party Pilipinas". OK yun, that is kung may album ang mga artists ng GMA Records o kung nage-exist pa nga ba ang recording outlet ng GMA.