Tuesday, January 24, 2012

"Showtime" Itatapat sa""Eat Bulaga!"

Kumpirmadong sisibakin na sa ere ang noontime show ng ABS-CBN na "Happy Yipee Yehey!" at balitang ipapalit sa mababakante nitong time slot ang "Showtime" para tapatan ang Longest-running noontime show na "Eat Bulaga!" na napapanood naman sa GMA-7.


Minsan nang itinapat ang "Showtime" sa "Eat Bulaga!" nang sibakin din sa ere ang dating noontime show ng ABS-CBN, at sa pagkakaalala ko nanalo sa ratings ang "Showtime" sa sandaling panahon na itinapat ito sa "Eat Bulaga!".

Kung totoo nga na itatapat ang "Showtime" sa "Eat Bulaga!", anong mga bagong putahe ang ihahanda nila sa mga manonood para tapatan ang "Eat Bulaga!" na institustyon na sa Telebisyon?