Saturday, February 14, 2015

Julie Anne San Jose Binuburo ng GMA-7

Ipapalabas na ng GMA-7 ang Hologram concert ni Julie Anne San Jose. Medyo matagal din bago sila nag-decide ipalabas, I think December pa yata nung ginanap yung concert sa MOA, binuro muna nila.
And speaking of binuro, parang iyon ang ginagawa ng GMA-7 sa career ni Julie.
Napapansin namin na lately ay kaunti na ang exposure niya sa Sunday All Stars, mas mahaba pa nga ang air time nung grupo nila Betong na nagsasayaw at pinapakita yung mga bakat nila na sa totoo lang ay aksaya sa oras at hindi naman talaga kailangan sa show.
Kunsabagay yun naman talaga ang trademark ng Kapuso Network, ang i-itsa puwera ang mga singers, pati nga si Julie pilit nilang pinapasayaw.
Premiere star si Julie Anne San Jose, at kumita rin ang GMA dahil sa diamond album niya, hindi siya dapat gawing back-up.

No comments:

Post a Comment