Thursday, February 12, 2015

Kyla Tuloy na sa Dos

Tuloy na ang paglipat ni Kyla sa ABS-CBN. Malapit na siyang mapanood sa Sunday noontime show na ASAP na karibal ng Iniwan niyang Sunday All Stars sa GMA-7.

Matagal na panahon ding namalagi sa Kapuso Network si Kyla, since SOP and Party Pilipinas.
Hindi namin masisisi si Kyla sa decision niya na mangibang-bakuran, wala na rin kasing maipagawa sa kanya ang creative team ng SAS na magbibigay ng justice sa husay niya as a singer and recording artist.
Kaunti na lang din ang exposure niya dahil pinaiksi ang Sunday All Stars from two and a half hours to one and a half, wala ng buhay totally ang show at parang nandun na lang sila every Sunday just to fill the air time and for the sake na makapag-show.
Samantalang kung nasa ASAP si Kyla, marami siyang magagawang bago, at higit sa lahat kakanta siya dun dahil singer siya and that's what she's supposed to do.
Sa Kapuso Network hindi importante ang singer, kundi pinasasayaw, ginagawang sexy star. Pati nga si Jaya pinasayaw nila para lang mag-trending topic.
Good luck ang wish namin kay Kyla, as she explores new home, new world and meet new people. And one of these days she will perform with Pop Princess Sarah Geronimo.

No comments:

Post a Comment