Monday, May 2, 2016

Wowowin Takes a Short Break in May

Sa mga nagtataka kung bakit walang Wowowin kanina sa GMA-7, pansamantalang magbabakasyon ang host na si Willie Revillame at ang kanyang game show.

Ayon sa statement na ini-release ni GMA Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz, pansamantalang magbabakasyon ang Wowowin ngayong Mayo ngunit patuloy ito para sa paghahanda para sa 1st Anniversary nito sa May 10, at dahil mababakante ang studio, gagamitin ito pansamantala para sa coverage ng 2016 Elections.

Tiniyak naman ni Javier-Cruz na sa pagbabalik ng Wowowin, makakaasa ang mga fans nito sa mas malalaking surpresa at papremyo.

At ngayon ang tanong, magbabakasyon o pinagbakasyon? Ipinag-utos na ng korte ang pag-aresto kay Willie dahil dun sa insidente kung saan pinagsayaw niya ng mahalay yung bata sa dating Willing Willie sa TV5, at hindi lang nagkataon na kasabay nun yung bakasyon ni Willie. This is always like the old Willie, kapag may sabit "palamig ka muna".

Nasundan na naman ba si Willie ng malas? At kung ganun nga, ano bang meron ang taong ito at kahit saang istasyon magpunta ay tila may kabuntot na "Karma"? Malalaman natin sa mga susunod na araw.

No comments:

Post a Comment