Tuesday, January 25, 2011

Happy 500th Post to Limferdi's Blog!

Break muna ako sa mga balitang showbiz at least for this day. Because today, I am celebrating my 500th post. I can't believe it, naka-500 blog entries na ako since December 23, 2007 when I started this blog, mahigit three years na rin yun, at nka-survive ang blog ko kahit na on and off ang blogging habits ko.

Wala kasi akong PC, nagre-rent lang ako sa Internet Cafe para makapag-update ng blog ko. Regularly every Sunday kung mag-update ako dahil day off ko, nag-uupdate in ako from Monday to Saturday pag-uwi ko galing sa work, kaya lang limited ang oras ko, 30 minutes lang sa Internet Cafe during those days kaya limited din ang naipo-post ko na blog entry. Mahirap i-maintain itong blog ko dahil Entertainment ang niche, yung ibang mga blog na may theme din na showbiz nakakapag-update ng at least four post everyday, pero ako hanggang one per day lang talaga dahil limited lang ang sources ko, kung minsan nga one week akong hindi nakakapag-update.

Busy din kasi ako sa work, wala akong time na maghanap ng mga balitang showbiz sa internet, hindi rin naman ako connected sa mga showbiz insiders para makakuha ng balita, ang material ko lang dito sa blog ko ay mag-review ng mga palabas sa Kapuso at Kapamilya para may mai-post, nakakakuha din ako ng balita minsan sa mga showbiz talk shows at sa pagbabasa ng tabloid. Pero kung pinaka-latest na showbiz updates ang pag-uusapan, I admit na talo ako diyan, madalas kasi yung mga post ko ay nauna ng mabasa sa ibang showbiz blogs, kaya ng naging habit ko rin na maglagay ng reviews and reactions sa mga post ko para kahit paano maiba from the other showbiz blogs. After all that's what blogging is all about, writing your reactions and opinions.

Sa three years na itinagal ng blog ko, hirap akong makakuha ng traffic, hindi ako maka-generate ng loyal audience, maybe because most people finds my blog boring, Search Engine Optimization lang ang nakatulong sa blog ko na makakuha ng traffic, dati, ang pinakamarami kong page impressions sa blog ko is 5 to 20, pero nung natuto ako ng SEO umabot na sa 700 plus, majority ng traffic ko galing sa search engines specially Google. So far pinaka-popular na post ko sa Search Engines ay yung mga Barbie Forteza at Angel Locsin post, pero I'm still trying my best para makakuha ng loyal readers, hindi naman kasi forever na hot sa Search Engines si Barbie at Angel, at once na nag-decline ang popularity nila, maaaring bababa uli ang traffic ng blog, karamihan kasi ng visitors ko ay yung mga users na nag-search ng informations about Barbie Forteza and Angel Locsin, kaya nga very grateful din ako kay Angel at Barbie, dahil sila nagpataas ng traffic ko, at forever fan nila ako.

Naka-abot na ako sa 500th post, at ang wish ko para sa susunod na 500 post pa ay lalo kun ma-improve ang blog traffic ko, I wish umabot sa 1 Million page impressions a week, I'm also hoping na matanggap ko na yung first pay check ko from Adsense, matagal na rin akong naghihintay, plastic ako kung hindi ko aaminin na nagba-blog ako para kumita ng dollars, gusto ko rin na one of these days magkaroon ako ng sarili kong web host para maging professional blogger na ako. And finally I wish I could have that shot at fame, gusto kong sumikat din kagaya ng ibang Pinoy Bloggers na na-feature na sa TV.  So sa lahat ng readers ko na alam ko naman na meron kahit papaano dahil sabi ng Feedburner may 7 Readers daw ako, see you in the next 500 post.

No comments:

Post a Comment