Halata namang pinagkagastusan itong "Amaya", sa set pa lang, sa costume, at sa dami ng artistang kasama sa cast ay nakakalula na, ang estimate nga eh, 30 na main stream actors/actresses ang isinama sa cast. So far okay ang flow ng kuwento simula pa lang naman eh. Halata ring nag-research talaga ang creative team ng GMA-7 para lang maibigay talaga sa televiewers yung mga historic facts at figures noong panahon ng mga unang Pilipino. At ang nakakatuwa eh yung maririnig mo yung mga salitang "Alipin", "Malaya" at "Timawa" na napag-aaralan ko noong elementary pa lang ako, pero sana mas may iba pang mga lessons sa history na ma-ishare ang GMA-7 dito sa "Amaya" hindi naman kasi maganda kung puro pang elementary history lang ang maipapakita nila.
At sana din maging consistent ang GMA-7 sa flow ng story ng "Amaya" para hindi mag-sawa ang televiewers. At nakikita ko din na kung babalik ako sa elementary days ko at palabas noon ang "Amaya" siguro madala ibigay na assignment ito ng mga elementary teachers, o kaya naman eh formal theme oreaction papers. Kayo, anong tinginn niyo sa "Amaya"?
maganda naman
ReplyDelete