Wednesday, June 1, 2011

Marvin Agustin, Jolina Magdangal, at Claudine Barretto to Work in One Teleserye? Really?

Ano 'tong narinig kong balita na magsasama-sama raw sa isang teleserye ang mga dating Kapamilya stars na sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin at Claudine Barretto. at siyempre pwede lang itong mangyari sa GMA-7 dahil dito nagtatrabaho ang tatlo at the present.


Well, malaking proyekto ito kung ang taon ngayon at 1996 o 1997, ito yung mga panahon kung saan sumikat ang tatlong ito nung nasa bakuran pa sila ng Dos, pero hindi siguro ngayon. 2011 na ngayon at iba na ang hinahanap ng mga televiewers. Pwedeng magsama si Jolina, Marvin, at Claudine sa isang teleserye pero siguro supporting roles lang sila at ipaubaya na lang sa mga mas bata at mas fresh na talents ang lead roles.

I recognize the contribution of this three top caliber actors/actresses, pero yung idea na magkaroon sila ng teleserye na sila ang lead stars, hindi na uubra yun. Palagay ko isa lang ito sa mga desperadong move ng Kapuso Network para maka-arangkada sa ratings o di kaya naman eh pampalubag loob sa tatlong artistang nabanggit dahil simula ng itali ng Network ang tatlo sa kontrata, wala namang naging regular shows ang tatlo na nagmarka sa televiewers at at mga previous projects nila sa Kapuso Network ay hindi naging sapat para ibalik sila main stream. Hindi sila nakakuha ng positive reactions sa televiewers nang lumipat sila sa Kapuso.

No comments:

Post a Comment