Wednesday, May 25, 2011

Bianca King Makes Her First Starring Role in GMA-7's Newest Soap "Sentensyada"

Sa wakas, pagkatapos ng maraming taon magkakaroon na rin ng show ang Kapuso actress na si Bianca King na this time ay siya ang bida. Sentensyada ang title ng first starring role ni Bianca King sa GMA-7. At ito ay mapapanood sa Dramarama Sa Hapon block ng Kapuso Network.


Makakapareha dito ni Bianca King si Dennis Trillo. Originally ay intended para kay Iza Calzado ang project na ito  pero napunta kay Bianca dahil na rin siguro ibinigay ang sitcom "Andres De Saya" kay Iza.

Sa wakas tila natauhan ang mga big wigs ng Kapuso Network, it's about time na magbida si Bianca sa isang show dahil isa siya sa pinka-loyal talents ng Kapuso. Ang tagal niya sa GMA pero mga support role lang ang projects niya at hindi naman talaga nagmamarka sa televiewers, kung yung ibang talents na walang project lumilipat kaagad pero si Bianca King nag-decide na maging Kapuso forever despite na napakaliit ng mga roles na binibigay sa kanya, and with that she deserves a reward.

Naalala ko nga pala, muntik ng lumipat itong si Bianca sa ABS-CBN, nagkaroon na nga siya ng grand welcome sa ASAP pero the following week, bumalik siya sa Siyete at nagkaroon naman ng welcome back party sa SOP.

Sana mabigyan din ng malaking project ng GMA-7 yung iba pa nilang talents na naka-tengga para hindi naman sabihin na nabibili ang break sa Kapuso at yung mga nagreregalo lang kay WG ang nagkakaroon ng show.

No comments:

Post a Comment